About Jejune
June 27, 2008
This will be the official photoblog of Joycee. Dito niyo makikita mga kapraningan ni Joyce. Hinde ako expert, kaya pagtyagaan niyo na sana.
My father was a photographer even before he decided to enter God’s ministry. Pero dahil our family was getting bigger, kelangan nyang pagsabayin ang pagpapastor at pagiging photographer. I remember when I was a kid kinakalikot namen ang mga film SLRs ng tatay ko, at kasama pa kameng nagdedeliver ng mga pictures na nakuha nya sa mga events sa school o kaya ng mga taong nagpapapicture sa mga Catholic churches pag linggo. Meron din kameng studio dati, pero kapag tinawag ka ni Lord in His ministry at pag inutusan ka nyang iwanan ang isang bagay na gustong-gusto mo, kelangan mo syang sundin. At yun nga ang ginawa ng tatay ko. Dahil nagpapalipat-lipat kame ng destino, kelangan nyang ipasara ang studio namen at tigilan na ang pagsi-sideline. Dahil dyan, nabulok sa bahay ang mga SLR nya. Sayang.
Simula nang nauso ang digital photography, kinahiligan ko na ‘to. Sabi ko, kahet dito man lang maituloy ko ang pangarap ng tatay ko. Kaya nagdesisyon ko na itutuloy ko na talaga ‘to. Hinde masyadong expert ang tatay ko sa digital photography, madami na daw pagkakaiba. Pero pangarap ko pa din talaga na makabili ng DSLR, na hinde ko alam kung kelan matutupad.
Ngayon ang gamit ko ay yung Canon Powershot A590IS. Pwede na din basta may pangcapture ng mga memorable moments at nang kung anung makita. Photography is not something you learn in an instant, it’s a continuing learning process.
For me, taking photos is not merely a hobby. Gaya ng sabi ko sa taas, this is my way of helping my father to pursue his dreams in photography. Pero syempre bukod dyan, it’s my way of expressing myself, of seeing the world in a different perspective, on the positive side, that is.
Criticisms are open. We learn from each other.
Labshu all! Ü

July 3, 2008 at 11:08 pm
huwaaatt!!! nmn toh ohhhh… churva nmn kc eh!! wakhahah! imishu…
July 18, 2008 at 9:34 pm
Nice site u got here. Very personal and ecofriendly with the green theme wehehe.
Just dropping by…